Advertisers

Advertisers

2 asset ng parak, itinumba

0 269

Advertisers

SORSOGON CITY – Patay sa pamamaril ang dalawang magkaibigan na ‘asset’ ng pulis sa Brgy. Tigbao sa bayan ng Casiguran, Sorsogon.

Kinilala ang mga biktima na sina John Paul Derla, 25; at Regan San Buenavista Docot, 27 anyos kapwa binata at parehong naninirahan sa Brgy. San Juan ng nasabing bayan.

Ayon sa salaysay ng mga saksi, galing sila sa isang birthday party sa nasambit na lugar at sabay na umalis hatinggabi na ng Setyembre 10 lulan ng kani-kanilang motorsiklo.



Nauna umano sila sa mga biktima at nadaanan nila ang isang motorsiklo na naka-park sa tabi ng kalsada at may dalawang lalaki na nakaupo dito.

Nangyari ang pananambang ng mga umano’y nakamotorsiklong mga salarin pagdaan ng motorsiklo ng mga biktima na minamaneho ni Derla.

Nakita pa nila ang mga salarin na tumakas papuntang Brgy. Mabini.

Ayon pa sa mga saksi, sa takot iniwanan nila ang mga biktima at humingi ng tulong kay Punong Barangay Danilo Hije Jr.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">