Advertisers
Ang Filipino trio nina Rubilen Amit, Carlo Biado at Johann Chua ang itinanghal na kampeon sa 2022 Predator World Teams 10-ball Champions matapos talunin ang Team Great Britain, 3-0, sa final na ginanap sa Klagenfurt, Austria, Linggo, Set. 11.
Muli nilang nakaharap ang kanilang pinatalsik sa shootout, 3-2, sa winner’s qualification, ang mga Pinoy tumbok king ay ginupo ang British trio nina Kelly Fisher, Jayson Shaw, at Darren Appleton tungo sa gold medal at lion’s share na 40,000 Euros to purse.
Ibinigay agad ni Amit sa Philippines ang 1-0 lead matapos ang 4-3 win kay Kelly Fisher sa women’s singles set.
Isang long shot ni Biado sa nine ball para makaungos naman kay Jayson Shaw, 4-3, sa men’s single set para kunin ng Team Philippines ang 2-0 commanding lead sa race-to-three series.
Ang tambalan nina Amit at Chua ang nagkamada naman ng 4-1 victory kontra kina Fisher at Darren Appleton sa mixed doubles para ilagay sa finishing touches ang Philippine’s unbeaten run sa torneong ito.
Sina Biado at Amit ay miyembro din sa silver-medal winning team noong 2014 na sumuko sa China sa final.
Patungo sa finals, ay kinakailangan talunin ng Team Philippines ang Team Poland, 3-1, sa quarter-finals at shootout wins sa Team Germany, 3-2, sa semi-finals.
“It feels amazing to be champions,” Wika ni Amit. “We’re, we’re very, very happy, and very and relieved. Finally, no more matches, we can rest and just enjoy it and enjoy Austria and Klagenfurt!
“Last time we placed 2nd and now we are finally the champions. I am very happy that I have Johann and Carlo as my teammates because they are awesome, they are very good players.”
Dagdag naman ni Biado : “Finally we made it. My job was to win in this event and with my team, and I want to thank them because we all played well. We have to celebrate now!”
Nagpahayag naman si world-renowned blogger Leslie “AnitoKid” Mapugay.
“We did it. Our Team PH wins the very prestigious 2022 Predator World 10-Ball Teams. (Marlon Bernardino)