Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MALAKING boost sa karera ni Arron Villaflor ang pagkapanalo niya noon ng best supporting actor award para sa pelikulang Mamu and a Mother Too sa 2018 CinemaOne Originals.
Katunayan, feeling niya ay nagbubunga na ang kanyang efforts at bumobongga na ang kanyang career dahil napapansin na siya ng malalaking film production companies.
Pero dahil nagka-pandemya at nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, isa siya sa homegrown talents ng network na naapektuhan ang trabaho.
Naging talent siya ng Cornerstone pero hindi siya nagtagal sa nasabing talent management company.
Lumipat siya sa Viva Artist Agency dahil naniniwala siyang mas maaalagaan siya ng kumpanya lalo pa’t kaliwa’t kanan ang mga ginagawa nitong proyekto.
Sey pa ni Arron, feeling niya ay bumalik siya sa square one dahil for more than two years ay wala siyang movie offers.
Feeling pa niya, naudlot ang direksyon ng kanyang career.
Aniya, passion daw talaga niya ang pag-arte at sa larangang ito siya mag-eexcel.
Hirit pa niya, sa pagbabalik niya sa sirkulasyon, gusto raw niyang maging abala sa paggawa ng iba’t ibang proyekto hindi lang para malinang pa ang kanyang sining kundi para matighaw din ang kanyang pagkauhaw bilang isang artist.
Pagkatapos na mapanood sa seryeng “Wag Mong Agawin Ang Akin” sa Vivamax, muli na naman siyang aarangkada sa 8-part original series na Secrets of A Nympho na nakatakdang mapanood sa Oktubre sa nasabing digital online platform.
Hindi na rin big deal kay Arron ang makipagsabayan sa sexy trend lalo pa’t nagkaroon na siya noon ng butt exposure sa pelikulang nagpanalo sa kanya ng acting award.
Sa sexy thriller series, pivotal ang role niya dahil gagampanan niya ang papel ni Brian, isang campus prince na isang misteryo ang pagkamatay sa University of Potenciana sa fictional town ng San Lucas na iimbestigahan ni Gab, isang outcast student na bibigyang buhay ni Rhen Escaño.
Tampok din sa serye sina Ayanna Misola, Gold Aceron, Josef Elizalde, Jeric Raval, Andrea Garcia, Milana ikimoto, Tiffany at Sheree.
Ang SECRETS OF A NYMPHO ay mula sa produksyon ng Rein Entertainment (Bagman, Betcin) at sa direksyon nina Shugo Praico at Phillip King.