Advertisers

Advertisers

Dami paring fixers sa LTO at Immigration

0 233

Advertisers

ARAW-ARAW ay nakakatanggap ako ng mga sumbong hinggil sa nagkalat na fixers sa Land Transportation Office (LTO) at Bureau of Immigration (BI).

Kaya naman namamayagpag ang fixers sa mga ahensiyang ito ng gobyerno ay dahil pinahihirapan ng mga opisyal nito ang mga may transaksiyon.

Ang mga fixer ay ay may mga kontak sa loob, mga “bata” sila ng mga kakilala ng empleyado na dikit sa opisyal o direkta mismo sa opisyal ng isang departamento.



Oo! Kung kayo’y may transaksiyon sa kahit saang branch ng LTO, bago ka palang pumasok ng gate nito ay andaming sasalubong sayo at tatanungin ka kung anong kailangan mo, sasabihin nila na kung gusto mo mapadali ay sila na ang bahala sa nilalakad mo. Magbayad ka lang ng presyo na hinihingi nila.

Ganito rin sa Immigration dyan sa Intramuros, Manila. Ang mga fixer ay nakatambay dyan sa mga coffee shop. Karamihan ng biktima nila ay mga “Bombay”!

Para mawala ang fixers, makabubuti na gawin nalang online ang mga transaksyon sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan, higit sa lahat ay alisin na ang mga requirement na wala namang bilang o katulad lang din ng ibang requirement. Mismo!

***

Sinabi nitong Lunes ni Comelec Chairman George Garcia na dapat bago matapos ang buwang ito, Setyembre, ay may desisyon na ang Kongreso kung tuloy o postpone ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na nakatakda ng Disyembre 5, 2022.



Kung si Garcia ang tatanungin, gusto niyang matuloy ang eleksyon para ma-exercise ng mamamayan ang kanilang kapangyarihan na palitan ang kanilang mga inutil na opisyal.

Sabi ni Garcia, handang handa na sila para sa BSKE ‘22, nakabili na sila ng mga gagamitin para sa halalan at naka-calendar na ang lahat para sa kanilang mga gagawin.

Ipatuloy nyo na, Pangulong Bongbong Marcos Jr.. Sundin ang nakasaad sa ating Saligang Batas na magkaroon kada 3 taon ng eleksyon sa barangay at sangguniang kabataan. Mismo!

***

May babala ang National Telecommunications Commission (NTC): Huwag raw maniwala sa mga text na naglalaman ng inyong pangalan na nag-aalok ng trabaho at pabuya, tapos hinihingi ang inyong account numbers, GCash number at iba pang personal na pagkakakilanlan. Text scam daw ito!

Tulad ng text sayo na nanalo ka ng ganito kalaking amount sa raffle ng iyong cell cumber, magpadala lamang ng ganitong amount para sa pag-process ng napanalunan mo para maipadala sayo. Kapag naniwala ka rito, goodbye ang pera mo. Okey?

***

Sinelyuhan na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang isyu sa operasyon ng online sabong.

Say ni PBBM: “No way!” Ayaw ng Pangulo. Peste raw ang sugal sa buhay lalo sa mga mahihirap.

Pero tuloy parin ang online sabong ng “Pineda group” at ng “Negros group”. May mga ibinibigay silang link sa mga kontak nilang sabungero. Sa GCash parin ang transaksiyon.

Yung mga derby, yan ay sa online na ang tayaan, walang pinag-iba sa noo’y Pagcor-sanctioned online sabong.