Advertisers

Advertisers

DICT INATASANG UMAKSYON VS TEXT SCAMS

0 293

Advertisers

Sa ginawang paggisa ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kamara, inamin ng Department of Information Communication and Technlogy (DICT) na ang talamak na text spam at phishing ay mula sa mga international syndicates.

Humiling naman ng executive session ang DICT sa Kamara upang ireport ang initial findings ng kanilang imbestigasyon sa nagkalat na text scam sa bansa.

Sa isinasagawa budget hearing ng Committee on Appropriations, natalakay ang massive text scam na natatanggap ng publiko.



Ayon kay DICT Sec Ivan John Uy maging siya ay nakakatanggap ng text messages.

Sinabi ni Kalihim Uy na nais nilang ipaalam sa mga kongresista na kriminal na sindikato ang nasa likod na naturang phishing activities.

Base sa kanilang inisyal na imbestigasyon, kailangan ang strategic action upang masawata ang ganitong iligal na aktibidad dahil hindi lamang mga Pinoy ang sangkot bagkus mga international syndicates.

Umaasa si Uy na unti unti nilang mareresolba ang problema sa text scam sa tulong ng mga mambabatas.

Maalalang pagkaupo ng Kalihim sa puwesto makaraang i-appoint ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay agad ito lumikha ng task force para labanan ang text scams at illegal websites.



Samantala, nirekomenda naman ng mga mambabatas na agad na magtatag ng hotline DICT upang agad na makapag sumbong ang publiko na nabibiktima o nakakatanggap ng mga text scam.

Ang masakit sa mga kaganapang ito, marami sa mga nabibiktina ng raket na ito ay mga ordinaryong mamamayan na kumakayod ng parehas at sadyang hikahos sa buhay.

Bihira kasing mabiktima ang mga naglalakihang negosyo dahil may kakayahan ang mga pribadong kumpanya na maagang ma-detect ang ganitong mga diskarte.

Karamihan kung hindi mang lahat, mga mahihirap nating kababayan ang nagogoyo ng text scam na ito na sap ag-amin nga ng DICT ay kagagawan ng mga organisadong grupo ng binubuo ng mga Pinoy at mga banyaga.

Panahon na marahil upang lalo pang pasidhiin ng DICT ang kanilang mga undertakings upang masiguro na mapagkakalooban ng proteksyon laban sa mga digital scams na ito ang publiko.

Suhestiyon na rin natin sa Kongreso na magpasa ng batas na magbibigay ng mas mabigat na kaparusan sa sino mang indibidwal o grupong mapapatunayan nasa likod ng mga ganitong pandodorobo sa mga tao.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com