Advertisers

Advertisers

Granada sumabog sa Cotabato: 5 kritikal

0 211

Advertisers

Sugatan ang limang katao sa pagsabog ng pinaniniwalaang granada sa Cotabato City, Linggo ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Parson Matingkong Guiaplos, Omar Jamalodin, Siti Amirkan, Noranifa Uy at Mary Joy Antolan, mga residente sa siyudad ng Cotabato.

Ayon sa ulat, sumabog ang granada 9:15 ng gabi sa Fine and Dine Restobar and Foodhouse sa bahagi ng Notre Dame Avenue, Barangay Rosary Heights 2, Cotabato City.



Agad dinala sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang mga sugatang biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa pamumuno ni Colonel Quiruben Manalang sa nangyaring pagsabog ng granada sa lungsod.