Advertisers

Advertisers

Julia at Matteo nagbanatan sa ‘ghosting’ sa noontime show

0 296

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SUMALANG sa LOL segment si Julia Barreto na Maritest na ang mister ng Pop Royalty na si Sarah Geronimo ang nag-host.
Nagulat si Julia nang mabanggit bigla nito ang ex-bf na si Joshua Garcia.
Kinumusta ni Matteo Guidicelli si Joshua kay Julia.
Napataas na lang ng kilay si Julia.
Bigla ulit humirit si Matteo sa pagsabi ni Julia na may dyowa na siya at knows naman ng marami na si Gerald Anderson ‘yun.
Sabay banat ni Matteo na “meron ka na nga palang dyowa na nang ghosting.”
Napaismid si Julia sa biruan na ‘yun.
Bumuwelta si Julia sa mister ni Sarah sa pagsabi na “di ba ikaw ang original na nang-ghosting”.
Huwag na nga raw banggitin ang nasambit ni Julia kung sino ang na- ghosting ni Matteo sabay nagtawanan na lang ang dalawa.
Humingi naman ng pasensya ang dalawa sa mga nabanggit na namesung sa programa.
***
Beauty Gonzales hiniritan ng isa pang baby
WALANG pag-aalinlangan na nagpakita ng kaseksihan si Beauty Gonzalez.
Kaya itinuring ito na certified hot mama na sa suot nitong bikini ay talaga namang ubra pang makipagsabayan ito.
Kinilig ang dyowaer nito na pinatotohanan pa na kapag nauwi ay katabi niya ito.
Maraming kinilig sa pahayag na ‘yun ng dyowa ni Beauty.
Mas kinilig ito nang makita ang kaseksihan ng dyowa sa suot na bikini.
Kaya naman tinutukso-tukso ang magdyowa at humihirit pa ng second baby para kay Beauty.
Now pa ba mag-preggy si Beauty kung saan pick ang showbiz career nito ngayon.
Sa pagiging busy ni Beauty nungka na maisingit pa ang beybi number 2.
Well, well, well… ‘Yun na!