Advertisers
Patay ang isang guro habang sugatan ang kanyang drayber nang bumangga sa nakawalang kalabaw sa Brgy. Nasiping Gattaran, Cagayan.
Kinilala ang nasawi na si Cherie Mae Gaspar, backrider; habang ang driver ng motorsiklo na si Jade Efraim Cristobal na nagtamo ng sugat sa katawan na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan.
Sa ulat, 12:00 na ng hatinggabi nitong Sabado nang binabaybay ng dalawang biktima ang kahabaan ng lansangan galing sa lungsod ng Tuguegarao.
Dahil madilim ang lugar, hindi napansin ng driver ang biglaang pagtawid ng nakawalang kalabaw at dahil sa lakas ng impak ng pagkakabangga tumilapon ang dalawang biktima.
Batay sa salaysay ng mga kaanak ng mga biktima, galing sa kanyang klase sa lungsod ng Tuguegarao ang guro at natagalan sila sa pag-uwi dahil kinailangan muna nilang patilain ang malakas na ulan kamakalawa.
Sa ngayon, patuloy namang hinahanap ng pulisya kung sino ang nagmamay-ari ng nakawalang kalabaw upang makahingi ng pinansyal na tulong ang mga biktima para sa kanilang gastusin.(Rey Velasco)