Advertisers
MALA-Pinoy Big Brother (PBB) House ang SocMed House: Bahay ni Direk Miah na napapanuod sa Facebook at sa KRTV YouTube channel.
Ang nasabing reality show ng KSMBPI (Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters sa Pilipinas, Inc.) ay binubuo ng 10 housemates kada linggo na sumasailalim sa ilang challenges, trainings at workshops sa pamamahala ni Direk Miah (Jeremiah Palma).
“Workshop na rin nila ito, tinuturuan sila ng mga techniques on how to act, kini-criticize sila, pinapa-perform sila and we’re showing it on TV,” sey ni Dr. Michael Aragon, founding chairman ng KSMBPI.
Napag-alaman natin na ang tatanghaling grand winner na ibabase sa online voting ay magbibida sa pelikula na ipo-produce ng KSMBPI na magsisimula agad pagkatapos ng show.
“Pero lahat silang 40 housemates ay kasama sa pelikula. So parang lahat sila, winner at sa ranking lang sila nagkakaiba,” dagdag ni Doc.
Tika pa ni Doc Aragon, ito raw ang advocacy ng KSMBPI – makatulong sa mga film and media enthusiasts at i-level up ang standard ng film industry.
Hindi raw nila nais na papirmahin ng kontrata ang mga artist o i-manage ang mga ito.Ibig lang daw nila na i-train ang mga ito nang libre.
“This is what advocacy is all about. Conflict of interests sa amin kung isa-sign up namin sila or i-manage so pakakawalan namin sila. We will not sign up anybody. So, kung sino ang manager na gusto silang i-manage, they can do so,” dagdag ni Doc Michael.
Nakilala na rin natin ang unang batch ng housemates na nagmula sa iba’t ibang antas ng pamumuhay.
Sila ay sina Roel, 43; Marvin, 34; Clint Kenneth, 31; Kris, 35; Cristina, 19; at Princess,18; Rechelle Ann, 17; Matthew, 19; at Jason, 26.
Halata sa mga mukha ng housemates ang excitement sa haharaping buhay sa showbiz kaya sobra ang pasasalamat nila sa SocMed House at sa KSMBPI sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataong makilala sa larangang nais nilang pasukin.
(Blessie K. Cirera)