Advertisers

Advertisers

AKLAT PARA SA PAGKAING SAPAT

0 261

Advertisers

INILUNSAD na ang isang makabuluhang aklat na naglalaman ng modernong inobasyon na magiging giya sa teknolohiya at sistema ng pagsasaka na isa sa magiging tugon sa gutom na nararanasan sa kapuluan partikular sa kanayunan.

Ang launching ng librong may temang “Leave Nobody Hungry”na akda ni dating Manila Bulletin reporter Virginia R.Rodriguez ay idinaos sa Manila Ballroom ng Manila Hotel nitong Lunes ng tanghali,Setyembre 12.

Nagpahayag ng kanyang mensahe via virtual si Press Secretary Trixie Cruz Angeles sa naturang pasinaya.



Optimistiko si Kalihim Angeles na magiging kapaki- pakinabang ang noble project ni Rodriguez para sa milyun- milyong magsasaka ng bansa na ang layunin ay mapataas pa ang kanilang inaani.

Dumalo sa kaganapan sina Atty. Alex Lopez,Dr.Eliseo Ruiz,dating presidente at CEO ng CLSU;Asec.Antonio Molano;Coun.Joey Amisola;Coun.Pablo Ocampo; P/Gen.Andre Dizon,hepe ng MPD at iba’ t-ibang LGU’s,NGO’s; mga negosyante at estudyante.

Adbokasiya ni author Rodriguez ang makatulong sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ,Jr. – siya ring may timon sa Department of Agriculture(DA).

” I would like to offer and to present this book to all the Filipino farmers so they can use my humble suggestions in expanding their knowledge in modern farming at affordable cause and for students as their reference in their agricultural studies ,” ani Rodriguez. Agree tayo diyan..DA best!

Lowcut- Nalagasan at nagluluksa ang chess community sa pagpanaw ng isang maestro at kaibigang si Dr.Jenny Mayor nitong nakaraang Linggo lamang.



Si Doc mayor na isang tanyag na dentista mula Odiongan Romblon ay 7- time Philippine Chess Executive champion at naging presidente ng Philippine Executive Chess Association (PECA).

” Dr.Mayor is a big loss to Philippine chess,” sambit ng kasalukuyang pangulo ng PECA na si Dr.Fred Paez.

Nagpaabot din ng pakikiramay si PCAP chief Atty. Paul Elauria.”Dr.Mayor is one of the nicest people in Philippine chess”.

Ang PECA ayon kay Doc Paez ay nagpaplanong magdaos ng fund raising tournament alay kay Doc Mayor.Okidok!