Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA episode ng kanyang vlog na “Reacting to Controversial Rumors About Me,” isa-isang sinagot ni Barbie Imperial ang mga isyung ibinabato sa kanya ng netizens.
Idinenay ng aktres na naging kabit siya ng isang politician.
Aniya, conservative raw ang kanyang family at maging ang mga eksenang ginagawa niya sa pelikula o serye tulad ng pakikipag-kissing scene ay may ‘say’ pa ang kanyang mommy.
Niliwanagan din niya ang tungkol sa kanila ni Daniel Padilla nang minsang naikabit sa kanya ang pangalan ng actor nang minsang sighted siya sa isang video na nasa haybol nito noong Enero.
Ani Barbie, pinilit niyang manahimik sa isyu kaya naman klinaklaro niya ito sa kanyang vlog na para sa kanya ay tamang venue para ibigay ang kanyang side sa controversy.
Dagdag pa niya, sobra raw siyang nahihiya sa girlfriend ni Daniel na si Kathryn Bernardo nang pumutok ang issue.
“Ngayon ko lang yata sasagutin ito kasi nanahimik talaga ako. As in noong time na ‘yon, nung nangyari ang tsismis na ‘yon siyempre nahiya ako unang-una kay Kath kasi ano ang iisipin niya ganito-ganyan,” ani Barbie.
“Pumunta ako ng bahay ni Tita Karla, kasi first, kaibigan ko si Tita Karla at si Magui ay kaibigan ko rin. At nung pumunta ako noon, sobrang kaka-break lang namin actually ni Diego (Loyzaga) nu’n. And ang mga kaibigan ko talaga na pinupuntahan, sina Ate Ara (Mina), ayun, isa rin si Tita Karla. So pumunta ako kay Tita Karla kasi wala si mama rito. Ayaw ko kasi na kapag kaka-break ko lang, emotional ako, pupunta ako ng gimikan, iinom, hindi ganu’n. Parang lalapit ako sa parang mom talaga mag-advice. And para fair ‘yung advice. Si Tita Karla kasi kilala niya rin si Diego, anak-anakan niya rin si Diego,” dugtong niya.
Giit pa ni Barbie, wala nga raw si Daniel noong panahong pumunta siya roon.
Itinanggi rin ng aktres ang isyung dinamayan at mega hug sa kanya si DJ habang umiiyak dahil sa breakup kay Diego.
“No, not true, hindi. Actually wala akong ma-explain kasi ngayon ko lang nalaman ‘yung about this tsismis, pero hindi, hindi totoo,” paliwanag niya.