Advertisers

Advertisers

DERMALOG BINAKBAKAN NG TRANSPORT GROUP!

0 389

Advertisers

Sa kabagalan sa serbisyo ng LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) ay ang SYSTEM PROVIDER na DERMALOG ang pinagbuntunan ng sisi ng iba’t ibang mga TRANSPORT GROUP dahil sa mababang kalidad umano ng pagseserbisyo sa publiko.

Nasa COMPUTERIZATION ERA tayo ngayon.., subalit marami sa mga tsuper ay mahina ang kaalaman o halos marami sa mga ito ang hindi marunong gumamit ng computer.., marami ang walang alam sa paggamit ng email address dahil sa sistema ng LAND TRANSPORTATION MANAGEMENT SYSTEM (LTMS) kaya hirap ang transaksiyon ng mga driver sa oras ng mga renewal sa kanilang mga permit o drivers license.

Naipunto ni Ka OBET MARTIN, PASANG MASDA PRESIDENT, na ramdam umano ng kanilang hanay ang matagal nang “slowdown” ng bagong sistema na LTMS mula pa noong nakaraang taon na lalong pinalala raw ngayong taon



“Ilang araw kailangang magpabakik-balik ng mga operator, driver at mga may-ari ng sasakyan para lang sabihin na hindi pa rin tapos ang rehistro. Nasayang ang aming pagkakataong makapaghanap-buhay sa pabalik-balik na pagproseso ng mga transaksiyon. Tanong namin sa nagbigay ng sistemang ito at sa mga nagsasabing buo ang LTMS.., nagpunta na ba kayo sa mga opisina ng LTO para makita ang tunay na lagay ng publiko,” saad ni ka OBET MARTIN sa kanilang isinagawang press conference.

Isa sa pagkabalam Ng mga transaksiyon ay ang madalas na “OFFLINE” o kaya ay sa mga teknikal na problema sa mga opisina ng LTO.., na indikasyong kulang sa kakayanang isaayos ng mga LTO DISTRICT EMPLOYEES.

Bunsod nito, ang mga TRANSPORT GROUP ay nananawagan ng malalimang pagsisiyasat dahil noong wala pa ang LTMS ay maayos ang transaksiyon sa naturang ahensiya pero nang ipatupad ang LTMS ay lalo pang napahirapan ang mga pakikipagtransaksiyon.., kaya nararapat umanong siyasatin ito dahil maaaring may kurapsiyon sa pagitan ng nakaraang liderato ng LTO at DERMALOG.

“Gusto naming ihayag ang aming pagkadismaya sa pagmamalabis ng banyagang kumpanyang Dermalog sa mga proyekto nila sa ibang bansa tulad ng border control, na taliwas o hindi tulad sa pangangailangan ng LTO. Nagawa na ba ng kumpanyang ito na makapaglabas ng isang buong sistema para sa isang ahensiya tulad ng LTO?” paglilitanya ni MARTIN.

Sa kabila ng sentimiyento ng TRANSPORT GROUPS ay nagkaroon naman ng pag-uusap sa pagitan ng LTO at ng DERMALOG OFFICIALS para maresolba ang isyu sa proseso ng mga transaksiyon.



Isang solusyon na pagtutuunan ng mga ito ay ang activation ng MOTOR VEHICLE REGISTRATION INFORMATION SYSTEM (MVRIS) na malaki umano ang maitutulong para mabawasan ang mga mahahabang pila ng mga nakikipagtransaksiyon sa LTO OFFICES.

“I fully support Motor Vehicle Registration Information System (MVRIS) in the public portal of LTMS for the renewal of vehicles as this will greatly reduce the lines in our offices. With this activation it will be possible to renew your vehicles without needing to line up at LTO offices around the country,” paghahayag naman ni LTO CHIEF ASSISTANT SECRETARY TEOFILO GUADIZ III.

Mga ka-ARYA.., napakaganda ng mga sistemang pangsolusyon para maibsan ang pagpoproblema ng mga nasa TRANSPORT SECTOR.., pero, sana naman ay hindi humangga sa PRESS RELEASE lamang kundi magkaroon dapat ng kaganapan.., upang mabura ang agam-agam ng publiko na namamayagpag pa rin ang kurapsiyon sa kung sino ang mamamayani sa mga transaksiyon para sa hanay ng transportasyon!

— 000 —
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.