Advertisers

Advertisers

NPA secretary, arestado

0 288

Advertisers

ARESTADO ang isang opisyal ng New People’s Army (NPA) nang isilbi ang warrant of arrest nitong Sabado sa probinsya ng Surigao, Butuan city.

Sa pahayag ng Surigao del Norte provincial police office (SDNPPO), kinilala ang nadakip na si Nenita Generalao Dolera, 31, secretary ng NPA Guerrilla Front 19, Sub-Regional Committee Southland of the North Eastern Mindanao Regional Committee.

Batay sa report ng SDNPPO, naaresto ang suspek noong Sabado sa Purok Bilang-Bilang, Barangay Taft, Surigao City, sa bisa ng arrest warrant sa kasong attempted murder na ipinalabas noong 29, 2021 at kasong attempted murder na inisyu noong Jan. 7, 2022 ng Regional Trial Court (RTC) Branch 40, Tandag City.



Nahaharap rin sa kasong frustrated murder na may arrest warrant na ipinalabas noong July 22, 2021, ng RTC Branch 7 Bayugan City, Agusan del Sur.

Nadakip si Dolera ng pinagsamang pwersa ng intelligence division of the Police Regional Office- Caraga Region, SDNPPO, Surigao City Police Station, Philippine Coast Guard Surigao del Norte, 41st Military Intelligence Company, at Army’s 401st Infantry Brigade.