Advertisers
EXCITED na ang Soft Rock Diva at International Performer na si Rozz Daniels na sa pagbabalik-Pinas niya ay maipo-promote na niya ang kanyang CD album na naglalaman ng mga original songs niyang Bakit, Song for Love, Pieces of Heart, Alay Sa ‘Yo, Christmas With Christ at ang revival songs na Usahay at Both Sides Now. Lahat ng ito ay under Viva Records.
Masayang inalala ni Rozz ang pag-record niya ng mga naturang kanta sa Hush Recording sa Los Angeles, California.
Ibinalita rin ng International Performer na ‘pag natuloy ang plano na makapag-show siya ngayong taon ay babalik siya ng bansa. Maganda umanong pagkakataon ito para mai-promote na nang husto ni Rozz ang kanyang album na todong pinaghirapan niya para masigurong magugustuhan ng mga tumatangkilik sa kanya.
Balak din ni Rozz na magkaroon ng pre-Christmas show para makapaghatid ng kasiyahan sa marami. Makakasama niya ang ilang magagaling na performers gayundin ang kanyang mga anak-anakang mahuhusay sa pagkanta, sina Jerome Sangalang, Harold Evangelista at Derf Dwayne.
Inilalatag na rin ni Rozz at ng kanyang manager ang iba pang events na nakatakdang gawin nito para mag-full blast na ang kanyang singing career sa Pinas.
Siyempre, nariyan pa rin ang may isang taon nang Kumu show na The Rocks and Rozz Show kasama ang kanyang mga anak-anakan at ang inyong lingkod. Napapanuod ito tuwing Sabado, alas-10:00 ng umaga.
Ready na rin si Rozz sa pag-guest sa ilang TV shows at radio programs para mai-promote ang kanyang album under Viva Records.
Umaasa si Rozz na tatangkilikin ang kanyang album dahil bukod sa pinaghirapan niya ito ay magaganda raw ang mga awitin na nakapaloob dito.
(Blessie K. Cirera)