Advertisers

Advertisers

Senator Bong Go sa mga Atleta: BANSA MUNA HIGIT SA PANSARILING AMBISYON

0 366

Advertisers

NAGPAABOT ng kanyang mensahe si Senator Christopher Lawrence ‘Bong Go sa itinuturing niyang mga modernong bayani na mga atleta ng bansa.

Sa kanyang talumpati kahapon sa Senate Committee Session in Sports, kanyang pinuri ang mga atleta ng bansa na nagbibigay karangalan sa Pilipinas at bagaman ay malaking sakripisyo ang kaakibat nito ay tuloy ang pagpupursige upang maging angat ang lahi kontra sa ibang lipi sa larangan ng palakasan.

Partikular aniya ang mga nakapag-ambag ng gintong medalya para bansa sa international competitions tampok dito ang gold at iba pang kulay ng medalya sa Olympics,Asian Games maging hanggang sa regional na Southeast Asian Games.



Lalo’t higit aniya sa sport na pinakamalapit sa Pilipino- ang basketball.

Hitik sa talento aniya ang basketbolistang Pilipino at pagdating sa seleksiyon ay maraming pagpipilian para sa Gilas Pilipinas.

“Kailangan ay siyento-porsiyentong nakapokus ang ating manlalaro sa Gilas para pagdating ng higanteng sports show na FIBA Asia World Cup ay handang-handa ang ating cream of the crop na national team. Kaya lahat ay dapat magtulung -tulong na suportahan ang ating mga pambato sa Gilas Pilipinas,” wika ni Go- Senate Committee sports head sa idinaos na organizational meeting, briefing and Inquiry in Aid of Legislation na dinaluhan ng top sports officials ng bansa sa pangunguna ni PSC Chairman Noli Eala, commissioner Bong Coo, SBP executive Sonny Barrios, PBA commissioner Willie Marcial at POC president Abraham ‘ Bambol Tolentino.

Ani pa Go, hats off siya sa patriotismo ng ating mga pambatong manlalaro dahil sa kanilang pag- commit na maglingkod sa bansa sa tawag ng katungkulan at paglilingkod sa bayan.

“ Di natin sila mapigilang maglaro sa mga high paying leagues sa abroad na triple ang taas ng suweldo kumpara dito paro sa oras na kailangan ang kanilang serbisyo ay bansa muna ang pokus bago ang pansariling kapakanan”, diin ni Go na isa ring dating varsity cage player noong kanyang prime sa Davao.



Espesyal na pagkilala rin ang igagawad ng kanyang komite ang laan sa tagumpay na inialay ng bagong koronadang si US Open Junior Women’s singles champion Alex Eala ng Pilipinas. (Danny Simon)