Advertisers
PUNTIRYA ni Francis Casey Alcantara ng Pilipinas ang world’s Top 300 bago matapos ang taon.
Ang 30-year old player mula sa Cagayan de Oro City ay umakyat sa No. 329 sa Association of Tennis Professionals (ATP) rankings kasunod ng runner-up finishes sa three-leg Bangkok Open.
“I was very happy with my performance despite losing in the finals both weeks. I improved my ranking, so it’s always good,” Wika ng 5-foot-7 Alcantara sa panayam Martes.
Dumating siya noong Linggo matapos sumali sa ATP Challenger Tour sa Lawn Tennis Association of Thailand sa Nonthaburi City.
Alcantara nakipag-team-up kay Christopher Rungkat ng Indonesia sa dalawang events, ay parehong tumanggap ng cash prize na halagang USD50,000,
Natalo sa No.3 seeds Benjamin Lock ng Zimbabwe at Yuta Shimizu ng Japan, 1-6,3-6, sa second leg at hindi rin nagtagumpay sa third leg, nabigo kina Chung Yunseong ng South Korea at Ajeet Rai ng Australia,1-6,6-7, sa final.
“The losses made me realize that I still have lots of things I need to improve on,” Wika ni Alcantara, a silver medalist sa men’s doubles sa 2021 Vietnam SEA Games. Naging miyembro ng Philippine Davis Cup team noong 2005.
Bago tumulak patungong Thailand, Alcantara ay sumabak sa dalawang USD15,000 events sa Jakarta kasama si Yuki Mochizuka ng Japan bilang partner. Nakarating sila sa semifinal sa first leg at sa quarterfinal sa second leg.
“The target is Top 300. I have 10 more tournaments lined up before the year ends and hopefully I can achieve my goal,” Tugon ni Alcantara, na may career-best ranking No. 257 sa December 2018. Nagwagi sa Manila SEA Games doubles title with Jeson Patrombon sa sumunod na taon.
Nakaraang Hunyo, Alcantara at Vietnam’s No.1 player at SEAG singles gold medalist Nam Hoang Ly nasilo ang Hai Dang Cup Week 2 title sa Tay Ninh City,Vietnam. Dinispatsa sina Ji Hoon Son at Ulsung Park ng South Korea,6-3,6-1, sa final.