Advertisers
USAPANG-Kampeon lang po, may bagong counterpart si World champ Pole vaulter ERNEST JOHN ‘EJ’ OBIENA sa pagkakasikwat ni ALEX EALA ng first ever grandslam title sa 2022 US Open Tennis Championship bannering her team RAFA NADAL ACADEMY. Both young at mid and early-twenties respectively, sa kasagsagan ng karera, laking pasasalamat ng Pinoy partikular ang Sports community sa mga dagdag na karangalang dala nila para sa bansa.
‘Hindi lang to panalo ko, panalo nating lahat!’.Pamangkin ni PSC Commisssioner NOLI EALA, anak si ALEX ng datingnational swimmer na nagbitbit ng bronze medal, 1985, si RIZAMANIEGO-EALA. More honors to come para sa ating bansa. Kudos EJ andALEX!
GILAS PILIPINAS SQUAD,
MAS PALALAKASIN
SPEAKING of international sports, nagsimula na rin angSenado sa pagsusulong sa national team GILAS PILIPINAS at tinatalakayang mga anggulong related sa ikalalakas ng pambatong caging squad saFIBA World Cup by August next year where we pose as sponsor country,first time in 45 years. Tinututukan ang pag-expedite ng naturalization nina imports JUSTIN BROWNLEE, 6’5”, ng crowd favorite GINEBRA SAN MIGUEL at CAMERON OLIVER, 6’9”, ng TALK N TEXT.
Hopefully, mag-materialize lahat ng effort atjoint-force ng Senate Sports Committee spearheaded by Chairman Sen.BONG GO with respresentatives PSC Chair NOLI EALA, POC President BAMBOL TOLENTINO, PBA Commissioner WILLY MARCIAL and SBP Exec.Dir. SONNY BARRIOS. Aabangan po ang laban ng ating mga pambato sa SEA GAMES, ASIAN GAMES at FIBA WC. True, maabot lang natin ang semis at finals, malaki ang chance na mahablot natin ulit ang gold.
BASHERS NG GILAS, HIRIT PA!
ON the contrary, sa suportang kailangan ng GILASPILIPINAS SQUAD, hindi gustong magpatinag ng bashers, tuloy ang banat sa social media, dinadala rin sa venues ng laro, tulad ngcontroversial booing na ipinakita nila via international TV sa laro sa Mall of Asia Arena, para ipahiya si GILAS Coach VINCENT ‘CHOT’ REYES na pinipilit nilang ipa-resign. Nagsumite ng resignation si Coach CHOTpero di tinanggap ng SBP.
Sa panahon na kinailangan ng GILAS, si Coach CHOT angumako ng reponsibilidad na iniwan anila at tinanggihan ni Coach TABBALDWIN na bet ng bashers, dahil napakahina ng line-up ng squad at walang available o di natutukan ang availability ng finest cagers natin at that point in time. Well, ngayong to the rescue ang most concerned Sports groups and officials, supported by the Senate mismo,let’s see.
SEPTEMBER HEYDAYS
HAPPY BIRTHDAY to Bro. JIMMY ISIDRO, Chief ofStaff, ADELINA LOMARDA and EMMA PEREZ of PIO, Mandaluyong LGU, toBRUCE LEE STRONG of Olongapo City, former behind-the scene technicalstaff of toprating show ‘EAT BULAGA’, to Fr. HERBERT CAMACHO of San Felipe Neri Church and RONVIE WILLIAM CALLE of Mandaluyong City.. Moreblessings and birthdays to come. HAPPY READING!