Advertisers
Arestado ang tatlong magnanakaw ng cable wire sa Skyway at PLDT nang mahuli sa akto habang nagsusugal at makuhanan ng shabu sa kahabaan ng Araneta Avenue, Quezon City Miyerkoles ng madaling araw, Setyembre 14.
Kinilala ang mga nadakip na sina Alexander Opaa, 33; John Michael Tubis, 25; at James dela Cruz, 30 ng Brgy. Manresa, QC.
Ayon kay PSSg. Christopher Bermejo ng Quezon City Police District station 1 Laloma nadakip ang mga suspek sa kahabaan ng Araneta Avenue corner Mauban Street, Brgy. Manresa, QC 3:00 ng madaling araw.
Sinabi ni Bermejo na nagsasagawa ng routenary patrol ang mga tauhan ng Tactical Motorcycle Riders Units (TMRU) ng Laloma police sa pangunguna nina PCpl. Angelito Malate at PCpl. Allan Patrick Lorenzo ng maispatan ng mga pulis ang mga suspek habang nagsusugal ng kara y cruz sa lugar.
Sangkot din umano ang mga suspek sa serye ng pagnanakaw ng cable ng PLDT at cable wire ng Skyway sa kahabaan ng Araneta Avenue dahil ang dalawa sa mga nadakip sangkot umano sa pagnanakaw ng cable wire sa lugar.(Boy Celario)