Advertisers
Una sa lahat, nais kong batiin ng maligayang kaarawan ang aking napakagaling at napakagandang doktora na si Dr. Rosary May Canay-Diaz o mas kilala bilang si Doc Rose Diaz, sa kanyang kaarawan ng Setyembre 15.
Si Doc Rose ay hindi ordinaryong doctor. Siya ay isang celebrity doctor, dermatologist at aesthetic surgeon sa Californian Bloom CGD Skin Care and Aesthetic Surgicenter, Inc.; Servant of Our Lord Jesus and Mama Mary at Medical Director sa Californian Bloom Aesthetic Institute and Medical Spa at Californian Beau The Medical Spa; Rosebloom Dermatology & Slimming Clinic.
Nagpapaabot din ng pagbati ang kanyang mister na si Dr. Jorge David-Diaz, pamilya, mga pasyente, supporters at mga kaibigan.
Hiling naming lahat ang iyong mabuting kalusugan at marami pang kaarawan!!!
***
Tuwang-tuwa ang mga opisyal at kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa pagkakatalaga ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. kay Attorney Norman Garcera Tansingco bilang bagong Immigration Commissioner.
Ito ay sa dahilang si Tansingco ay kaisa nila bilang isang matagal nang empleyado ng BI kaya naman welcome na welcome ito sa kanila, dahil alam nilang naiintidihan nito ang operasyon ng BI at damdamin ng mga kawani nito. Ang BI ay isa sa mga ahensiyang nasa ilalim ng Department of Justice.
Hindi na nga talaga bago itong si Comm.Tansingco pagdating sa BI. Ito ay nagtrabaho sa BI noong 2007 hanggang 2017 bilang chief of staff ng noon ay BI Commissioner na si Marcelino Libanan, na ngayon ay nagsisilbi bilang House minority leader.
Matatandaan namang itong si Libanan ay naging BI Commissioner noong Pangulo ang ngayon ay Pampanga Representative na si Gloria Macapagal- Arroyo.
Nang mga panahong iyon, si Tansingco ay nagsisilbi sa BI sa concurrent capacity bilang technical assistant for operations sa ilalim ng tanggapan ng BI Commissioner at Attorney III din ng BI Board of Special Inquiry.
Bago ang kanyang pagkakatalaga bilang bagong BI Commissioner, itong si Tansingco ay spokesman ng 4PS Party-list at nagging chief of staff din ni Libanan sa ilalim ng House of Representatives mula July 1998 hanggang June 2007.
Siya ay isang certified public accountant na na-admit sa Philippine bar noong 1991.
Malaking hamon para kay Tansingco na pamunuan ang BI dahil sa dami ng kontrobersyang kinasangkutan nito sa ilalim ng nakalipas na administrasyon.
Sa katunayan, mismong si DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla ay nagsabing isa ang BI sa mga may pinakamaraming problema na nasa ilalim ng DOJ, kasama ng Land Registration Authority (LRA) at Bureau of Corrections (BuCor). Aniya, napepeste siya sa pamamayagpag ng exortion at human trafficking activities kung saan mga immigration executives at personnel ang sangkot.
Ang BI ang pangunahing ahensiya na nagtitiyak na lahat ng banyaga na nasa bansa ay sumusunod sa mga batas at alituntunin ng Pilipinas.
Ito rin ang siyang nagsisilbing “chief repository” ng lahat ng immigration records na patungkol sa entry, temporary sojourn, admission, residence at departure ng lahat ng banyaga sa bansa.
Good luck, Commissioner Attorney Norman Garcera Tansingco.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.