Advertisers
NATIKMAN ng Philippine under-19 national football team ang 3-0 pagkatalo sa kamay ng Oman sa kanilang unang sabak sa 2023 AFC U-20 Asian Cup qualifiers Huwebes ng madaling araw sa Al-Saada Sports Complex sa Salalah, Oman.
Walong minuto lang ang inabot ng hosts para maka-goal, courtesy ni Nasser Ali Al Saqri.
Dinoble ni Khalid Ibrahim Al Sulaimi ang pangunguna ng Oman makalipas lamang ang limang minuto.
Kinumpleto ni Ali Hassan Al Bulushi ang scoring sa ika-30 minuto para simula ng Oman ang halftime break na may commanding lead.
Hindi nakabawi ang batang Pinoy sa second half, dahil kinuha ni Oman ang buong puntos para buksan ang kanilang kampanya sa Group G.
Sa isa pang laro ng Group G, tinalo ng Thailand ang Afghanistan, 3-0, sa likod ng mga goal nina Chanapach Buaphan, Phuwanet Thongkhui, at Thanakrit Laorkai.
Ang nangungunang koponan sa bawat isa sa 10 grupo ay magiging kwalipikado para sa 2023 AFC U-20 Asian Cup sa susunod na taon, kasama ang limang pinakamahusay na second-placed teams.
Susubukan ng Pilipinas na makabangon ngayon Biyernes laban sa Thailand.