Advertisers

Advertisers

P3.4m shabu nasabat sa drug ops sa Batangas

0 580

Advertisers

ARESTADO ang dalawang suspek kabilang ang isang High Value Individual (HVI) na mga nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang anti-illegal drugs buy bust operation ng mga pinagsanib na elemento ng mga operatiba ng PDEA-Regional Special Enforcement Team (RSET 4A) PNP Regional Drug Enforcement Unit, 4A, Regional Inteligence Intelligence Division/Regional Special Operations Unit at ng Batangas City Police Station nuon araw ng miyerkules sa Barangay Alangilan ng nasabing bayan.

Kinilala ang mga suspek na sina Noel Mangubat alyas “Noel” at ang kanyang kasabwat na si Ainsley Asi, mga nasa hustong gulang at parehong residente sa San Jose, Batangas.

Ayon sa ipinadalang report ni PDEA Calabarzon Regional Director Melvin Estoque kay PDEA Director General Wilkins Villanueva nasakote ang dalawang suspek nang makipagtransaksyon sa isang PDEA agent na nagpanggap na poseur buyer at ng maiabot ang droga ay agad ng inaresto ang mga suspek.



Narekober sa nabanggit na operasyon ang humigit kumulang sa 500 gramo ng shabu na may estimated market value na P3,400.000.

Mahaharap sa kasong paglabag sa violation of Section 5 (Selling) at Section 11 (Possesion) ng Republic Act 9165 ang mga nakakulong ng suspek.(KOI LAURA)