Advertisers

Advertisers

TNT, SMB, Ginebra players puntirya ng Gilas

0 229

Advertisers

PUNTIRYA ng Gilas Pilipinas ang players mula sa TNT Tropang Giga, San Miguel Beer at Barangay Ginebra na isalpak sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Inanunsyo ng Samahang Basketball ng Pilipinas ang development Huwebes ng umaga.

Six-time Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel at reigning MVP Scottie Thompson ng Ginebra ang ilan sa mga players na kursunada ng national team.



Kinatawan ni Fajardo ang Pilipinas noong 2014 at 2019 editions ng FIBA Basketball World Cup, habang si Thompson ay naglaro sa fourth window ng qualifiers nakaraang Agosto.

Ayon sa SBP, Kasama rin si San Miguel guard CJ Perez sa team para sa parating na window.Ang two-time scoring champion ay tinulungan ang Beermen na mag kampeon sa 2022 PBA All-Filipino Cup kamakailan.

Japeth Aguilar ng Ginebra at Arvin Tolentino, pati na rin sina Roger Pogoy at Poy Erram ng TNT ay puntirya ring ng Gilas para sa pangkat.

Makakasama ng PBA players na ito ang available na manlalaro mula sa Japan B-League at ilan na iba pang varsity mula sa UAAP at national training pool.

Nakatakdang ianunsyo ng SBP ang iba pang miyembro kapag nakumpirma na ang kanilang availability.



Makakalaban ng Pilipinas ang Jordan at Saudi Arabia sa Nobyembre 10 at 13, ayon sa pagkakabanggit sa road game para sa ikalimang window ng qualifiers.