Advertisers
Isang chinese national ang inaresto ng mga elemento ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP AKG) at pagkakasagip sa 43 dayuhan sa isinagawang operation sa Angeles City.
Kinilala ang nadakip na si Chen Yi Ben, alias Ayi, 33, Human Resource Manager of Lucky South 99.
Habang ang isa sa biktima na kinidnap ng suspek kinilalang si Wu Jia, Chinese National.
Ayon kay PNP Chief Gen Rodolfo Azurin Jr, isinagawa ang operasyon ng mga elemento ng PNPAKG sa Lucky South 99 building sa Fil-Am Friendship Highway, Angeles City, Pampanga.
Sa ulat, humingi ng tulong ang kamag-anak ng biktima na humihingi ng P1 million ransom kapalit ng pagpapalaya sa biktima.
Inaresto ng mga operatiba si Chen Yi Bien alias Ayi, Human Resource Manager of Lucky South 99 at ligtas na nabawi ang biktima at pagkakasakip ng 42 iba dayuhan.
Sumasailalim ang biktima sa debriefing sa tanggapang ng PNP AKG habang 42 iba, isinasailalim sa documentation at record verification.(Mark Obleada)