Advertisers

Advertisers

Uncle pinatay ng ex-con na pamangkin

0 284

Advertisers

TUGUEGARAO CITY – Pisak ang mukha ng isang tiyuhin nang paghahatawin ng bareta ng sariling pamangkin ng awatin ng una ang huli sa tangkang pagpatay ng salarin sa ina nito sa Sto Niño, Cagayan nitong Martes.

Kinilala ang biktima si Herminio Tarampi, 73 anyos, residente sa nasabing lugar habang nadakip ang salarin na kinilalang si Ronald Cabaruan, 45 anyos, at residente ng Brgy Masical ng naturang bayan.

Ayon kay PLT Melodie Ballesteros, OIC Chief-of Police ng PNPO-Sto Niño, 9:00 ng gabi naganap ang krimen sa bahay ng ina ng suspek sa naturang lugar.



Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, dumating ang salarin na lango sa alak at inaway ang ina dahil walang naabutan na pagkain.

Narinig naman ni Tarampi na humihingi ng tulong ang kanyang hipag kaya dali-dali niya itong pinuntahan at naabutan ang salarin na hawak-hawak ang bareta at hinahampas sa ina kaya inawat niya ito.

Sa halip na makinig si Cabaruan, pinagbalingan nito ang tiyuhin at pinaghahampas na bareta sa ulo at ginalugad pa nito ang mata na naging sanhi ng agarang kamatayan ni Tarampi.

Nabatid na pabalik-balik ng kulungan si Cabaruan dahil sa kasong illegal drugs at nakalaya lamang ito sa pamamagitan ng probation.

Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng PNPO-Sto Niño si Cabaruan at nahaharap sa kasong murder.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">