Advertisers
Arestado ng COMPAC 1 personnel ang isang lalaking nag amok sa Felix Ville, Sitio Sto. Nino, Brgy. Bilibiran, Binangonan, Rizal nitong Huwebes, Setyembre 15 ng umaga.
Iniulat ni PCOL Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director kay PBGen Jose Melencio Nartatez Jr., PRO4A Regional Director ang pagkakaaresto kay Reymon Dumael y Abogado, 40, may kinakasama, construction worker at kasalukuyang nakatira sa Binangonan, Rizal.
Ayon sa report, tumawag ang isang concerned citizen sa COMPAC 1 ng Binangonan Municipal Police Station para ipagbigay alam ang isang lalaking may dalang baril na nasa gitna ng kalsada at naghahamon ng away.
Agad na rumesponde ang mga pulis na nag resulta sa pagkaka aresto ng suspek at pagkakakumpiska ng isang improvised handgun at mga bala.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Binangonan Custodial Facility ang nasabing suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Firearms law o RA1059.