Advertisers
KALABOSO ang isang barangay kagawad nang mahulihan ng mga hindi lisensyadong mga bari, bala at granada sa isinagawang search operation ng mga pinagsanib na puwersa mga operatiba Provincial Intelligence Unit ng Batangas Provincial Police Office (PIU/BPPO) at ng Laurel Municipal Police Station nuon umaga ng Biyernes sa Barangay San Ticub, Batangas..
Kinilala ang suspek na si Renel Canta, 44, residente at Barangay Councilor sa kaparehong lugar.
Ayon sa ipinadalang report ni Batangas Police Provincial Director P/Colonel Pedro Soliba, kay Calabarzon Acting-Regional Director P/Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez Jr., pinuntahan ng mga otoridad ang bahay ng suspek para isilbi ang dalang search warrant na inisyu ng korte sa Tanauan City, Batangas.
Sa ginawang paghahaluhog sa loob ng bahay ng suspek, nadiskubre ang (1) black sling bag, (1) caliber 38 revolver, (1) hand grenade, (1) transparent plastic sachet na may laman na siyam(9) na basyo ng bala para sa 9mm na baril, (1) caliber 9mm Taurus na meron laman na (1) magazine at loaded ng labing tatlong (13) bala at isa pang (1) magazine na may laman na labing limang (15) mga bala ng cal.9mm.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Qualified Unlawful Possesion of small firearms) at Republic Act 9516 (Illegal Possesion of Explosives) ang nakakulong ng suspek sa Batangas Police Provincial Office.(KOI LAURA)