Advertisers

Advertisers

Garcia pasok sa quarterfinal ng Eastside Open Squash tourney

0 175

Advertisers

GINAMIT ni No.4 seed Filipino Robert Andrew Garcia ang kanyang karanasan laban kay Wailok To ng Hong Kong,11-7,11-9,11-7, Huwebes ng gabi para makarating sa quarterfinal round ng USD6,000 Eastside Open sa Hobart City,Australia.

Dinomina ng world No.166 Filipino ang 34-minutong hatawan para umabante kontra No. 16 seed Elijah Thomas ng New Zealand.

Ang 19-year old Thomas mula sa Auckland ay nangailangan lang ng 26 minuto para itumba ang No.7 Zahor Shah ng Pakistan, 12-10,11-6,11-1.



“My performance is better now after my match against Addeen in Devonport. Somehow, I am getting used to the cold temperature. I am more comfortable playing in warmer courts,”Wika ni Garcia, na nalasap ang first-round setback (8-11, 9-11, 9-11) kay Malaysian Addeen Idrakie, Ang No. 8 seed sa Tasmanian Open sa Devonport City nakaraang Linggo.

Kumpiyansa si Garcia tungkol sa kanyang tsansa laban kay Thomas, na kasalukuyang No. 291 sa mundo.

“I think I am stronger than him. It will be our first meeting in a tournament. We had a chance to play during practice because we were roommates during the Costa North Costa Open in Coffs Harbour City,” Tugon ni Garcia, na nakatakdang makaharap si Thomas at 6:15 p.m. Biyernes.

“I am determined to win. I will do my best,” Sambit ni Garcia, tiniyak na ang kanyang kaliwang hita na tinamaan ng kanyang kalaban sa second-round match, ay hindi na sumasakit “It was really painful after the match. But I applied ice on my thigh and this morning, I feel better.”

Dumating si Garcia sa Australia noong Agosto 14. Sumabak siya sa Costa North Coast Open sa Coffs Harbor City (August 14-21) Alto Group Pennant Open sa Sydney (August 20-28) at sa Volkswagen Open sa Bega, Bew South Wales (August 31- September 4).



Maaga siyang napatalsik sa Costa North Coast Open, Yumuko kay Calvert,11-13, 7-11, 11-9, 14-12, 11-13, sa first round.

Sa Sydney kung saan siya ang No.4 seed, Dinaig ni Garcia ang Malaysian Amir Amirul,11-7,4-11,11-5,11-5 para e book ang quarterfinal ticket. Pero nabigo kay Dowling, 10-12,5-11,11-6,8-11. Sa Volkswagen Bega Open, natalo rin kay Chung Yat Long,11-13, 7-11, 11-9, 14-12, 11-13, sa first round.

Nakapasok si Garcia sa quarterfinal ng Dynam Cup SQ-Cube Open sa Yokohama, Japan nakaraang Mayo para itala ang career-best world No.165 ranking. Nangibabaw rin siya sa mixed team gold at men’s singles silver medals sa 2019 Southeast Asian Games dito sa Pilipinas.