Advertisers

Advertisers

Initial result ng DNA test ng NBI, positibong kay Jovelyn

0 290

Advertisers

Kahit maraming hindi makapaniwala, kumpirmadong si Jovelyn Galleno ang kalansay na natagpuan ng awtoridad ayon sa initial result ng eksaminasyon na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI).

Isiniwalat ang initial result ng isinagawang deoxyribonucleic acid (DNA) test sa biktima at positibong si Jovelyn nga ito.

Hindi pa magawang isapubliko ang full result dahil nagsasagawa pa ang NBI ng mas malalim na pagsusuri.



Inaasahan naman na lalabas ang resulta nito sa susunod na linggo.

Matatandaan na nauna nang dumaan sa DNA test ang kalansay sa pangunguna ng Philippine National Police.

“Based on the results, the DNA profile obtained from the cut femur (1334-22-A3072) is consistent with having come from the biological offspring of Jelyn Tabangay Galleno, mother of Jovelyn Galleno (1334-22-A3073). The probability of parentage for this case is 99.99%,” resulta ng eksaminasyon ng PNP.

Samantala, sumailalim na umano sa independent polygraph test o mas kilala bilang “lie detector test” ang isa sa mga suspek sa panggagahasa at pagpatay sa dalagang si Jovelyn Galleno, na si Leobert Dasmariñas.

Dumating din umano ang isa pang salarin na si Jovert Valdestamon upang sumailalim sa naturang eksaminasyon.



Sa ngayon, hinihintay na lang ang magiging resulta ng lie detector test.