Advertisers
Ipinahayag ni Northern Kabuntalan Mayor Datu Umbra ‘Ramil’ Dilangalen na isang uri ng pamomolitika ang pagpursige sa graft charges na kinakaharap niya ngayon.
Ayon kay Mayor Dilangalen, malinaw aniya batay sa nakasaad sa desisyon ng Sandiganbayan na wala siyang ninakaw na salapi bagkus may pagkakamali lamang sa proseso ng pagbabayad sa itinayo nitong water project noong 2010.
Noong panahon na iyon, wala pang sariling Internal Revenue Allotment o IRA ang kakasimula pa lamang na munisipyo ng Northern Kabuntalan.
Iginiit ni Dilangalen na walang korupsyon sapagkat natapos naman ang proyekto matapos ang isang taon.
Bagamat ‘in good faith’, inamin ng alkalde na hindi nito alam na labag sa batas ang pagbabayad ng buo sa contractor ng isang proyekto kahit hindi pa ito nasisimulan.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng legal na hakbang ang kampo ni Mayor Dilangalen.