Advertisers

Advertisers

Paslit, patay sa SUV

0 295

Advertisers

Patay ang isang apat na taong gulang na batang babae nang mabangga ng SUV sa Malate, Manila .

Kinilala ang biktima na si Radzma, Upao y Masalbe, nakatira sa no. 2142-22 M Adriatico Street, Malate, Manila.

Hawak na ng Manila District Traffic Enforcement Unit o MDTEU ang salarin na si Gil Cruzada y Dellupac, 63, retiradong OFW at residente sa No. L 16, B2 Garden City Subd., San Isidro, Paraṅaque City .



Sa imbestigasyon ng MDTEU, nangyari ang insidente sa kahabaan ng southbound Adriatico Street kanto ng Quirino Avenue, Malate Manila Huwebes ng hapon.

Minamaneho ni Cruzada ang kanyang Mitsubishi Montero Sport at binabagtas ang southward ng Adriatico ar pagsapit sa kanto ng Quirino Avenue nang mabangga ang biktima.

Agad itong dinala sa Ospital ng Maynila nguni’t binawian din ng buhay dahil sa tinamong pinsala sa katawan.

Inihahanda na ang kasong homicide laban sa driver ng SUV.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">