Advertisers

Advertisers

Pinay na Pinay!

0 241

Advertisers

Eka nga ng isang kanta…”Pagka’t magaganda ang mga Pinay. Sa bahay man (ngayon pati sa sports) sila’y mahuhusay.”

Noon sina Lydia de la Vega. Tapos si Hidilyn Diaz. Ngayon si Alex Eala.

Homegrown mga yan. Kasi sa football kalahati foreign-based na mga atleta.



Kaya labis ang tuwa nina Pepeng Kirat nang magtalumpati sa sariling wika ang bagong kampeon sa singles girls division ng US Open.

“ Ang panalo ko ay hindi lang para sa akin kundi para sa kinabukasan ng tennis sa Pilipinas,” wika ng 17 taong gulang na si Eala.

Mabuhay ka!

“…At kung umibig ay lalong okey ang Pinay.”

***



Abangan mamayang ika-10 ng umaga ang Boomer”s Banquet na podcast namin nina George Boone at Bob Novales.

Tampok ang mga miyembro ng 4-peat ng UST Growling Tigers. Kabilang diyan sina Richard Yee, Rey Evangelista, Patrick Fran at Chris Cantonjos na makakapanayam natin hanggang alas dose ng tanghali

Sila mga kampeon mula 1993 hanggang 1996 sa UAAP. Dahil sa kanilang walang talons season noong 1993 kaya nagkaroon ng Final Four sa liga.

Kasama rin natin ang dating patnugot ng Inquirer Libre na si Chito de la Vega. Ayon kay Bob isa si Chito sa nagmungkahi na palitan ang bansag na Glowing Goldies taong 1992 at gawin ngang Growling Tigers.

Tribute din ito kay Coach Aric del Rosario, ang arkitekto ng apat na sunod na korona ng Pontifical University

***

Nagsalita na si Tab Baldwin hinggil sa pagkawala niya sa Gilas Pilipinas.

Umalis lang pala siya bilang coach pero hindi bilang project director.

Siya raw ang nagrekomendado kay Reyes na mentor at suportado ang bench tactician ng TNT na naging national coach.

Desisyon daw ng SBP ang pagkakaalis niya sa pangangasiwa ng buong programa.

Sa ngayon sana daw ay buong team ay i-cheer ng buong Pilipinas.