Advertisers

Advertisers

Plano at programa ng Maynila sa mga susunod na taon, nakapwesto na para ipatupad – Mayor Honey

0 248

Advertisers

ANG mga plano at programa ng pamahalaang lungsod ng Maynila para sa mga susunod na taon ay nakapwesto na at handa ng ipatupad.

Ito ang tiniyak ni Mayor Honey Lacuna, kasabay ng pasasalamat niya sa tagumpay nang katatapos na Executive-Legislative Agenda (ELA) conference na dinaluhan ng mga bumubuo ng Manila local government’s executive at legislative branches.

Pinasalamatan din ni Lacuna ang partner ng pamahalaang lungsod sa seminar sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG).



“Every new administration, dapat me seminar…ang buong pamahalaang- lungsod ng Maynila ay dumalo sa executive and legislative agenda seminar where the executive branch and legislative branch of the city, Vice Mayor Yul Servo and the city councilors at department heads ay nagsama-sama para pag-usapan kung saang direction dadalhin ang lungsod,” paliwanag ni Lacuna.

Sinabi ng lady mayor na sa pagtitipon ng mga city officials ay pinag-usapan nila ang mga programa at proyekto na nais nilang ipatupad sa mga susunod na taon at kung paano ito maisasagawa ng maayos at episyente.

Ayon kay Lacuna, ang kanyang pamamahala ay nakatutok sa pagpapanatili at pagpapalakas ng ng mga kasalukuyang proyekto at binibigyang diin ang health at social services.

Ang ELA ay isang unifying document na kaugnay sa termino ng mga halal na opisyal na binuo at napagkasunduan ng parehong executive at legislative departments ng local government.

Ito ay mahalagang pagtitipon na layuning na pagsamahin at pag-isahin ang legislative agenda sa executive agenda ng alkalde kung saan ang priority thrusts na kabilang sa ELA ay kinukunsidera sa budget ng local government units.



Ang ELA ay binuo sa loob ng first 100-days nang pag-upo ng mga bagong lokal na opisyal. (ANDI GARCIA)