Advertisers

Advertisers

GENDER GAP SA AGRI SECTOR

0 263

Advertisers

Dominado raw pala ng mga kababaihan ang postproduction activities ng rice sector tulad ng palay drying, milling, at marketing.

Ito ang lumabas sa isang pag-aaral na kinumisyon ng Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng papel ng mga babae sa rice supply chain.

Ang masaklap, umiiral pa rin daw ang gender gap sa sektor na umaabot hanggang sa edukasyon at agricultural training.



Batay nga sa PCAF-commissioned study na may pamagat na “Enhancing Gender Outcomes of Different Rice-Related Agencies through Gender Analysis of Rice Supply Chain and Advocacies,” lumilitaw na binabalikat na rin daw ng mga babae ang dumaraming papel nito sa pagtatanim ng palay.

Layon daw nitong mapaigting pa ang Gender and Development (GAD) plans, budgeting, at utilization ng mga rice-related agencies.

Mas abala raw ang mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan pagdating sa capital at seed sourcing sa pre-production.

Sinasabing sa production segment naman daw na madalas iniaatang sa mga lalaki, nasilip sa pag-aaral ng PCAF na mas maraming mga babae ang lumalahok sa transplanting habang kapwa aktibo ang mga ito sa weeding.

Sa kabilang banda, may dalawang balakid nga lang daw na nakita para sa full participation ng mga babae sa agrikultura.



Aba’y nariyan daw kasi ang limited registration sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at unpaid domestic work.

Saludo po kami sa PCAF sa pagsisikap nitong maging inclusive ang sektor ng agrikultura.

Mabuhay po kayo, mga bossing, at God bless!

***

Gusto mo ba ng ayuda o tulong pangkabuhayan? Bet mo rin bang matuto tungkol sa pagsasaka at sa mga programang pang-agrikultura, atbp.? Tayo na’t manood at makinig ng “Barangay 882” sa IZTV (Channel 23) at DWIZ. Katuwang ang SM Foundation at iba pa, ang “Barangay 882” radio program ng inyong lingkod ay matutunghayan sa DWIZ 882 FB page, IZTV/Radio, at Youtube DWIZ ON-DEMAND tuwing Sabado ganap na alas-4:00-5:00 ng hapon.

***

At para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook account (Gilbert Laguna Perdez), Twitter, Instagram, at sa aking FB page na ‘Gilbert Perdez’. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat po at stay safe!