Advertisers
NADEPENSAHAN ng pound-for-pound superstar Saul “Canelo” Alvarez ang kanyang WBC, WBA, WBO at IBF world super middleweight titles kasunod ng unanimous decision laban kay Gennady Golovkin.
Ito ang kanilang much-anticipated trilogy fight na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, USA Sabado ( Linggo sa Manila).
Pumabor ang lahat ng tatlong judges kay Alvarez matapos ang 12 rounds.
Ang scorecards ay 116-112, 115-113 at 115-113.
Dahil dito, gumanda pa ang record ni Alvarez na mayroong 58-2-2 at 39 knockouts habang si Golovkin ay 42-2-1 na may 37 knockouts.