Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
BUKOD sa napaka-sexy, sariwa, at palaban sa pampaganang eksena sa mga barako ang newcomer na si Amor Lapus, desidido siyang maging successful sa kanyang showbiz career.
Si Amor ay 22 years old at ang vital statistics niya ay 34-26-36. Very soon ay masisilip na ang alindog ni Amor sa Vivamax dahil nakatakda niyang gawin ang pelikulang Legit with Direk Roman Perez Jr.
Hobby niya ang mag-gym at mag-pole dance, plus pinahahalagahan daw niya ang healthy living.
Game ba siyang magpa-sexy?
“Oo naman po, game akong magpa-sexy sa pelikula,” matipid na tugon ni Amor.
Hanggang saan ang limitations niya sa paghuhubad?
Esplika niya, “Ang paghuhubad sa akin… pagdating sa bagay na iyan, wala akong limitasyon. Kumbaga, kung saan ang ikakaganda ng pelikula, game po ako. Kung sinabi ng direktor kung paano umarte at maging sexy, why not?
“May tiwala ako sa kanila at kung paano nila mapapaganda ang aming pelikula.”
Ano ang dream role niya?
Esplika ng napaka-seksing si Amor, “Ang dream role ko ay action, sa tingin ko dahil sa itsura ko at napapanood ko sa mga Korean movie at karamihan mga nagsasabi sa akin na mukha raw akong Chinese, Korean o Japanese…
“Siguro rito ako mapapalaban nang husto, so, makagawa ng action movie, maliban sa pagganap sa mga sexy role ang dream role ko.”
Ayon pa kay Amor, ang idol niyang aktres ay si Ina Raymundo.
“Ang idol kong artista ay si Ina Raymundo dahil hanggang ngayon ay pinagpapantasyahan pa rin siya ng marami at sobrang sexy niya mula noon hanggang ngayon.”
Gaano siya ka-liberated, pagdating sa sex?
“Sa totoo lang, hindi ko alam kung gaano ako ka-liberated pagdating sa sex, pero gusto ko pareho kaming ma-satisfied ng partner ko at ayaw ko nang napag iiwanan hanggang maaari, ayaw ko maging unfair sa laban, ganoon! Hahaha!” Nakatawang saad ni Amor.