Advertisers

Advertisers

Dolomite beach sa Manila bay natabunan na ng basura

0 233

Advertisers

Libu-libong sako ng mga basura ang nakolekta ng Philippine Coast Guard sa Manila Bay, kabilang na ang Manila Dolomite Beach.

Matapos ang isinagawang International Coastal Clean-up Day sa naturang lugar mula 6:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga noong Sabado, September 17, 2022.

Sa isang statement, sinabi ng PCG na nasa mahigit 1,000 sako ng mga waste materials ang nakolekta ng nasa 310 na mga indibidwal na nakiisa sa naturang aktibidad.



Ayon sa ilang volunteer, layunin ng naturang cleanup drive ang makatulong na pagandahin ang mga coastal area sa Manila upang mas lalo pa itog maging atraksyon sa mga turista at iba pang bisita.

Samantala, nakiisa rin bilang mga volunteer ang ilang indibidwal mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at gayundin ng ilang residente ng lungsod ng Maynila.