Advertisers

Advertisers

MAAGANG PAMASKO NI PBBM

0 185

Advertisers

MABUTI naman at naglabas ng general order si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,Jr. hinggil sa pagluwag ng health protocol partikular sa opsyunal o boluntaryong pagsusuot ng face mask lalo sa open places at mga establisimiyento.

Isang makatotohanang desisyong kailangan na nating lumaya sa tanikalang iginapos ng mga nagmalabis na health experts sa mundo at dito sa atin sa paghasik ng panakot sa mundo na may mikrobyong kikitil sa sangkatauhan. Nabopol ang mga matatalinong tao na napaniwala sa alarma ng mga kampon ng pandemonyo kaya sa higit isang taon ay nalumpo ang kabuhayan ng tao hindi dahil sa binansagang covid kundi kagagawan ng lockdown at pinandirihan ang kapwa dahil sa maling impormasyong ikinalat sa daigdig na killer virus kuno.

Lahat na lang ng nasasawi sa kasagsagan ng pandemya ay kinobid kaya nabalot ng takot ang daigdig dahil sa nagatibong propagandang dulot ng mga ‘taning na alarmistang nagkamal ng salapi habang ginogoyo ang mga tao sa mundo.



Sino ang mananagot sa mga sinunog na mga taong kinobid pero ang ikinasawi ay sakit na noong unang panahon pa ni Majoma na TB, pulmonya, malarya maging ulcer,kanser,bato etsetera?

Maagang natauhan ang mga taga ibang bansa na malaya nang lumalabas ng walang maskara.

Agad na bumalik sa normal ang komersiyo gayundin ang mga sports events .Bibihira na lang ang naka- mask sa mga nasa coliseum at stadium. Common sense lang naman,kung may deadly virus ba ay exempted ang mga atleta o manlalaro na walang mask? Di ba makasisingit ang miktobyo habang kumakain ang audience?

Dito sa atin,ang balwarteng Cebu ang siyang unang natauhan sa pangunguna ng kanilang mga lider.

Kaya nararapat na talaga ang desisyon ni PBBM.



May kalayaan na tayo at karapatang lumanghap ng sariwang hangin na kaloob sa kanyang nilalang ng Poong Lumikha.

Ang naturang order ay di lubos na sinasang-ayunanng ilan lalo ng mga nasa DoH na patuloy ang pag-alarma na tumataas ang bilang ng kaso ng covid.Mistulang ayaw nilang matapos ang pandemya at patuloy ang labas ng numero o datus sa media na parang eleksyon araw-araw.

Parang ayaw nilang sumunod sa general order ng Pangulo. Palaging inaalarma ang tao na me bagong mikrobyo.

Bakit ayaw nang matapos ang pandemya ng mga taga Department of Halarm(DoH)?Halam nyo na yan! Salamat sa maagang pa mask’o ni PBBM. Kastiguhin niyo ang mga ayaw sumunod sa direktiba ninyo..HABANGAN!