Advertisers

Advertisers

Magtiyahin inararo ng kotse: 1 patay, 1 grabe

0 223

Advertisers

NASAWI ang 8-anyos na nene, habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang tiyahin nito nang salpukin sila ng kotse sa Barangay Tigbinan, Labo, Camarines Norte, Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Krea Ann Tugano Villamartin, Grade 2 pupil, ng Purok-2, Brgy. Tigbinan. Sugatan naman ang kasama niyang tiya na si Lourdes Villagen Tugano, 55 anyos.

Ayon sa report, 3:00 ng hapon habang naglalakad ang mga biktima sa tabi ng kalsada nang mabangga ng Toyota Vios (NDS-8295) na minamaneho ni Leginald Alvarez Romero, 54, ng Brgy. San Martin, Taguig City.



Mabilis na sinaklolohan at isinugod ang mga walang malay na magtiya sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival ang bata.