Advertisers
NAGKASYA sa semifinals finish ang Manila Chooks matapos ma swept ng Saitama Alphas ng Japan upang masilo ang titulo ng Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 International Quest ngayon weekend sa Ayala Malls Solenad sa Sta Rosa,Laguna.
Naitala ng Saitama ang 20-13 wagi laban sa Zaisan MMC Energy ng Mongolia para e book ang main draw ticket sa Chooks -to-Go FIBA 3×3 World Tour Masters sa October 1-2.
Saitama, na binubuo ng Tokyo Olympian Tomiya Ochiai at Ryo Ozawa kasama ang Serbian reinforcements Teodor Atanasov at Marko Milakovic, narehistro ang 5-0 para sa kanilang unang major title ng bagong tatag na 3×3 squad at $10,000 grand prize.