Advertisers

Advertisers

Shocking! P1.4m electric bill ng isang konsyumer sa Pangasinan!

0 230

Advertisers

NAWINDANG ang isang residente sa Pangasinan nang makita ang halaga ng kuryente na kanyang babayaran.

Sa Facebook, ibinahagi ni Menchie Marayag Antonio na umabot sa P1,472,973.36 ang kanilang kailangan bayaran sa kuryente.

“Ano ‘to CENPELCO? Ang laking kag***han naman [na] P1.4 ang million bill namin sa kuryente. Ano buong bayan ng Aguilar nakakabit sa amin? Buwenas ah. Pagdating sa bahay ito madadatnan.



Kainaman din. Pa-check po naman bago ibigay [ang] bill,” pahayag ni Antonio sa FB post.

Sa isa pa nitong post, sinabi ni Antonio na nai-report na nila ito sa CENPELCO at sinabing nagkamali lang ng reading.

Humingi ng paumanhin ang Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) kay Antonio sa sinisingil nila na P1.4 million bill sa kuryente.

Sa isang pahayag na inilabas ng CENPELCO noong Biyernes, sinabi nito na isang meter reading error ang P1.4 million electric bill ng isang konsyumer sa Aguilar.

Ang maling nai-input na data ng pagbabasa para sa September 2022 bill na nagkakahalaga ng P1,473,533.36 iniakma sa P1,334.43, at naihatid na ito sa consumer.



Sinabi ng pamunuan na ang insidenteng ito isolated at puro human error.

Napansin ng CENPELCO na ang Meter Reader at walang intensyon na linlangin ang mamimili.