Advertisers

Advertisers

Xian nagkukulang na ng time kay Kim dahil sa trabaho

0 316

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SABI nga, behind a man’s success is a woman. Kaya nga super happy ngayon si Xian Lim dahil parehong going smooth ang kanyang showiz career and personal life. Halos walang pahinga si Xian sa kanyang work sa showbiz, andiyan yung may ginagawa siyang bagong serye kasama si Ashley Ortega na “Frozen Love’, dagdag pa rito ang pagdidirek niya ng isang pelikula na ‘Hello Universe” under Vivamax at ilang episode sa mga show ng GMA network.
At ngayon nga ay sa movie naman na “Always” na kasama niya ang real life gf na si Kim Chiu. Pagkatapos halos ng 8 taon ay nagsama muli ang dalawa sa isang pelikula, na gumanap si Xian bilang isang boxer na umibig sa isang bulag na babae na ginampanan naman ni Kim. Gagawin lahat ni boxer ang kanyang makakaya para muling makakita ang bulag na gf. The movie ‘Always’ under Viva Films, is set to be released in cinemas on September 28. It is about love and sacrifice and directed by Dado Lumibao
Ano naman kaya ang pakiramdam ng isang Xian ngayon na muling makakasama ang kanyang love sa isang pelikula?
“First shooting day namin, parang nagkahiyaan pa kami kasi iba talaga ang environment ng paggawa ng pelikula kaysa teleserye. But once naumpisahan, we both felt good to be back doing something for the big screen,” say ni Xian.
Inamin din ni Xian sa dami ng kanyang naging work ngayon bilang Kapuso ay bihira na silang magkita ng dyowa at kung magkikita sila para mag-bonding ay kadalasan hindi niya naasikaso si Kim dahil maging sa kanilang date ay nagwo-work si Xian.
“She is very understanding sa time na kakain sa time ko and my love for film making. Ito ‘yung singil sa akin bilang isang aspiring film maker,” say pa rin ni Xian.
Feel naman ni Kim ang pagiging hardworking ng boyfriend na kahit pa hindi siya nabibigyan ng enough time ng boypren ay andun pa rin ang kanyang total support sa ginagawa ni Xian.
“Ang dami niyang kayang gawin and nandoon din ‘yung artistic side niya, so iba siya gumawa ng pelikula passion talaga. Binubuhos niya talaga lahat ng kaya niyang gawin and which is nakakahanga talaga kasi pinaggugugulan niya talaga ng time and effort and binubuhos niya talaga lahat doon,” say naman ni Kim.