Advertisers

Advertisers

Arestadong No. 1 Most Wanted na lolo, iprinisinta kay Mayor Honey

0 185

Advertisers

NASAKOTE ng mga tauhan ng Manila Police District(MPD) Station 11 ang isang 61 anyos na lalaki na no.1 most wanted dahil sa pangmomolestiya sa tatlong anak na babae ng kanyang kinakasama may tatlong taon na ang nakakalipas sa Tondo.

Ipinrisinta kay Manila Mayor Honey Lacuna ,ng MPD, ang suspek na nakilalang si Gener Argales Y Redalda alyas Lolo Gener, at residente ng 2379 Tenorio st., corner Dagonoy st., San Andres Bukid Maynila.

“Alam niyo ho, bilang ina ay napakabigat po ang ginawa po niya dahil sa totoo lang dapat nga po eh tinuturing niya nang parang tunay na niyang anak dahil sa kanya na po ipinagkatiwala bilang tumatayong ama ng tatlong bata”,ayon kay Lacuna.



Nabatid na naaresto ang suspek sa isang operasyon inutos na buuin ni MPD Stn. 11 Chief PLt. Col. Rexson G. Layug. sa pangunguna nina PCapt. Joselito B. Delos Reyes, PCMS Mirasol Espiritu at mga elemento ng 4th MFC RMB sa pangunguna ni PMaj. Vilmer P. Mirrales at PSSG. Virgilio F Noe at limang iba pa. Agad na naaresto ang suspek sa bahay nito sa Dagonoy St., San. Andres, Manila.

Nahaharap ang suspek sa 4 counts ng
acts of Lasciviousness at rape as amended by RA8353 in Relation to section 5 (b) RA 7610.

Nalaman na ang warrant of arrest laban sa suspek ay inilabas na ng korte noong Agosto 2019.

Ang kanyang mga biktima ay magkakapatid na nasa edad 12, 6, 2 na anak ng kanyang ka-live in.

Nadiskubre ang panghahalay matapos na magsumbong ang mga biktima sa kanilang kapitbahay,kaya dumiretso ang ina ng mga bata sa pulis at inireklamo amg suspek.



Nakapagtago ang suspek nang matunugan nito na may warrant of arrest na siya, pero naaresto din ito kamakailan. (ANDI GARCIA)