Advertisers
KINUMPIRMA ng Japan-based professionals Dwight Ramos, Kiefer at Thirdy Ravena na maglalaro sila sa Gilas Pilipinas sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers sa November.
Tiniyak ng Samahang Bsketball ng Pilipinas (SBP) Lunes na ang tatlong B-Legue players ay available para sa Gilas Pilipinas games laban sa Jordan at Saudi Arabia sa November.
Gayunpaman, ang tatlong players ay hindi pa dumadalo sa national team’s weekly training sessions, na nagsimula Lunes ng gabi sa Meralco Gym. Ang praktis ay closed doors, ayon kay team manager Butch Antonio.
Inimbitahan na ng federation ang players mula sa San Miguel Beer, TNT Tropang GIGA, at Barangay Ginebra para maglaro sa Gilas sa November window.
Sila ay sina, June Mar Fajardo at CJ Perez ng SMB, Scottie Thompson, Japeth Aguilar, at Arvin Tolentino ng Ginebra, at Roger Pogoy at Poy Erram ng TNT.
Inimbitahan rin ng SBP ang UAAP players Angelo Kouame, Carl Tamayo, Kevin Quiambao at long-time pool members Francis Lopez, William Navarro at Jordan Heading.
PBA players Chris Newsome, Kevin Alas, Calvin Oftana, at Jamie Malonzo ay inaasahan rin na dadalo, Bagamat sila ay bahagi pa rin ng national pool, Ayon kay Gilas coach Chot Reyes.
Makakasgupa ng Gilas ang Jordan sa November 10 at Saudi Arabia sa November 13, lahat ng games ay gaganapin on the road.