Advertisers

Advertisers

Ginang kinatay ng selosong ka-live-in

0 190

Advertisers

PATAY ang isang ginang nang pagbabarilin ng kanyang kinakasama sa Alamada, Cotabato nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Marlin Soriano, 36 anyos, negosyante at residente sa Purok 5, Barangay Pacao, Alamada.

Sa isinagawang manhunt operation ng pulisya, nadakip ang salarin na live-in partner ng biktima na kinilalang si Arnold L. De Lima, nasa hustong gulang, nakatira sa nasabing lugar.



Sa report ng Alamada Municipal Police Station, 9:00 ng umaga naganap ang krimen sa bahay ng mag-live-in partner.

Sa imbestigasyon ng pulisya, kararating lamang ng biktima mula sa kanyang Milk Tea shop sa Nicaan, Libungan na inihatid ng isang Warren Ferolino.

Pagpasok sa bahay ng biktima, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-live-in hanggang sa pinagbabaril ito sa iba’t ibang parte ng katawan, sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Tinangka pang awatin ni Ferolino si Delima at agawin ang baril subali’t mabilis na itong tumakas.

Kinabukasan, 4:20 ng hapon nadakip ang salarin sa pinagtataguan nitong bahay sa Rangayen, Alamada.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">