Advertisers
LEGAZPI CITY – Himas-rehas ngayon ang isang online seller nang mahuli sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay 42 – Rawis, Legazpi City, Albay.
Kinilala ang dinakip na si alyas “Vanessa”, 41 anyos, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa report, hapon nang magsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga otoridad laban kay Vanessa, kungsaan kumagat ito sa pain nang pagbentahan ang isang poseur buyer ng isang heat sealed transparent sachet ng shabu sa halagang P5,500.
Nakuha kay Vanessa ang humigit-kumulang isang gramo ng shabu at pera na ginamit sa buy-bust.