Advertisers

Advertisers

ACTION MAN SEN. BONG REVILLA AT PKMAF

0 198

Advertisers

SA larangan ng serbisyo publiko at sa pinilakang tabing ,tatak nang di mabubura kay Senator Ramon ‘Bong’ Revilla,Jr. ang katagang ..AKSIYON!

Bagama’t napakalakas ng impluwensiya sa kanya ng patriyarko niya(late Sen.Ramon Revilla,Sr.)bilang politiko,naiukit rin ni Sen. Bong R. ang kanyang pangalan sa larangan.

Noong unang sabak niya as public servant(1995) bilang Bise Gobernador ng Cavite,siya ang pasimunong bumakbak sa sandamakmak na elementong durugistang nais itulak ang mga kabataan sa miserableng buhay dulot ng droga. Bilang chairman ng multi-agency anti-drug council ay nalambat at naitaboy niya ang mga tulak na salot ng lalawigan.



Nang siya na ang ama ng probinsiya,sa mabilis niyang AKSIYON ay nai-transform agad ang Cavite mula sa pagiging notoryus na lunan at naging pinakatahimik nang lunduyan sa bayan ni Juan.

Itinaas niya ang antas ng social service tampok ang pagtatag ng Cavite Rescue 161,Cavite-Korea Friendship Hospital,Cavite Sports Center atbp.

Winalis niya ang mga sindikato at pirata nang kanyang pamunuan ang Videogram Regulatory Board ng pamahalaan.

Mula executive ay napadpad siya ng mabuting kapalaran sa lehislatura.Siya lang naman ang topnotcher na Senador noong 13th Congress

Ang Senado ay pugad ng mga mambabatas na ORADOR sa pagalingang mag-speech sa plenaryo in aid of legislation.



Pero mas naging markado ang ACTION ni Sen.Bong R. kumpara sa kanyang colleagues dahil mas epektibo sa masa ang GAWA kesa salita kaya patuloy siyang ibinoboto ng ating kababayan kada halalan.Siya rin ang may akda ng mga makabuluhang naisabatas para sa sambayanan dahil sa kanyang bilis-AKSIYON na programa para sa masa.All da best sa ating aydul bertdeyboy( Sept.25) Sen. Bong Revilla ,sir!

Nagpaabot din ng pagbati kay Sen.Bong ang tanyag na grupong Pinoy Kickboxing and Martial Arts Federation( PKMAF) sa pamumuno ni president GM Greg ‘BARRY’ Agpoon and from 6th Dan Blackbelter CHARLES Agpoon at lahat ng alagad ng PKMAF nationwide.

More power Senator Bong R… lights,camera… ACTION!

May birthday pakulo ayon sa insider para sa lahat,tunghay lang sa fb page ni Senator Ramon ‘ Bong Revilla para may tsansang manalo ng papremyo …now na!

Lowcut: Shoutout sa mga gorgeous ladies ng ZUMBA AERO MOMS -Taguig City . Magdiriwang ng anibersayo ang grupo sa Oktubre 15 ayon kay officer Sis.Emma Gutierrez Bacay.Sa zumba,hayahay ang buhay!