Advertisers
ISA ang patay at isa ang sugatan nang mauwi sa tagaan ang alitan ng mag-ama sa Tanay, Rizal.
Nasawi sa insidente ang ama na kinilalang si Crisanto Competente; habang sugatan ang anak na si Salvador.
Ayon sa Tanay Municipal Police Station, lasing na nagtungo ang biktima sa tindahan ng kaniyang anak upang bumili pa ng alak pero nagalit umano si Salvador, dahilan para magsimula ang tensiyon ng dalawa.
At nagalit ang biktima saka itinakwil ang kaniyang anak, dahilan para tagain sa kaliwang dibdib ni Salvador ang kaniyang ama na agad bumagsak.
Patuloy namang nagpapagaling sa ospital si Salvador nang manlaban ang biktima at nahaharap sa kasong parricide.