Advertisers

Advertisers

REPORMA PARA MAKA PORMA

0 283

Advertisers

TINALAKAY sa Senado ang mga posibleng gawin sa sangay ng Hudikatura sa ngalan ng reporma partikular na sa Korte Suprema na sinasabing nababahiran ng pamumulitika sa pagpili ng mga uupo sa mga trono nito.

Dapat [daw] sana ay hindi ang Pangulo ng Pinas ang siyang pumipili sa tinatawag natin na Chief Justice kabilang na ang mga Associate Justice upang hindi mabalutan ng pulitika ang mga ito sa pagbibigay ng hatol lalo na kung may kaugnayan sa pulitika o politiko.

May nagpunto sa Senado na ang makapangyarihang Commission on Appointments o CA na lang idaan ang pagpili sa mga ito, tsk tsk tskkk… na binubuo rin naman ng mga halal na lider ng ating bansa – mga politiko.



May nagnanais na tanggalin sa kapangyarihan ng politikong Pangulo ng bansa ang pagpili sa ating mga mahistrado upang ilipat sa mga politikong miyembro ng CA – mula sa isang politiko patungo sa maraming politiko.

Lalo nang napolitika ang tinamaan ng magaling! Sinangkalan ang isyung pamumulitika ng Pangulo sa Korte Suprema pero ang pakay naman pala ay dagdagan ang bilang ng mga politiko na posibleng magmano ang mga mahistrado kung utang ng loob ang pag-uusapan.

Marami siguro sa mga politiko natin ang nais magkaroon ng postura o porma sa Korte Suprema kaya gustong magpatupad ng reporma [kuno]. Galing nila, di ba?

***

Propesyunalismo! Ito ang malinaw na tawag sa naging desisyon ng isang Senador nang humarap ito Budget Hearing ng Korte Suprema na kadalasan ay nagigisa ang mga sangay o ahensiya ng gobyerno sa mga samu’t-saring isyu.



Madalas naririnig natin na ang mga magagaling na lider o opisyal ng gobyerno ay ginigiling sa Budget Hearing, nawawala ang antok at pagod dahil sa tanong na ibinabato sa kanila ng mga miyembro ng komite.

Ipinunto ng Senador na hindi na siya poporma sa mga isyung bumabalot (kung mayroon man) sa Korte Suprema upang hindi mabihiran ng malisya dahil mayroon pa di umano siyang mga kaso na naka istambay sa Sandiganbayan at Korte Suprema.

Hinayaan na lamang ng Senador ang mga kasamahan nito sa naturang pagdinig na umisisa sa panukalang pondo na hinihingi ng Korte Suprema para sa susunod na taon ng 2023 na kailangan depensahan upang hindi ito tamaan ng tinatawag na ‘Budget Cut’ o bawas pondo.

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com