Heart lumayas na sa bahay ni Chiz, nag-condo na; Angelica, ‘di pa man nanganganak humihirit na agad ng kasunod
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA latest vlog nina Angelica Panganiban at partner na si Gregg Homan, maraming naaliw sa paglalambing nito sa mister habang nagdi-dinner.
Asked ni Angelica sa dyowa na si Gregg na mabuntis ulit ito sa pangalawang baby.
Humiling naman ng masahe sa paa niya ang aktres sa mister.
Maraming natuwa at naaliw sa latest vlog ng couple at napa-comment ang followers nila.
Sabi nga ng isang netizen na di pa nga nanganganak ay humihirit na ng isa pa ulit baby ang couple.
Ni-repost ni Angelica ang post ng mister na nagsasabi na napakagandang buntis daw ng aktres at puwede na raw agad sundan si Bean.
Sa kanilang banda ay kapansin-pansin din ang isang post ni Angelica habang bombo na kasama ang mga kaibigan sa showbiz.
Siguro nga raw ay naging mabait ito kaya mapalad ito sa pagkakaroon ng maraming kaibigan sa showbiz na sinamahan siya sa 9 months na journey sa kanyang pagbubuntis.
Soon to be certified mom na si Angelica at may nagbiro pa na netizen na huwag muna agad sundan ang kanilang panganay.
***
NAGING topic sa isang diigital showbiz online ng Showbiz Now Na na tuluyan nang bumukod at umalis na ang fashion icon na si Heart Evangelista sa bahay ni Chiz Escudero.
Nagko-condo na nga lang si Heart na naging topic issue ng digi showbiz online.
Kaya ang mga Maritess ay tiyak na may pagpipiyestahan na naman na isyu sa couple.
Kahit ang nali-link at ini-link kay Heart na lagi nitong kasa-kasama sa kanyang rampahan na Italyano ay may isiniwalat ang actress-vlogger.
Napapansin daw si Heart at isang Italyano na kinumpirma na isa nga raw gurlash or beki.
Kaya malabo na ilink si Heart sa Italyano na pareho lang sila na may pusong babae.
Ayon naman sa mga host ng showbiz digi online dapat daw ay di nagbibigay si Heart ng insunasyon para di makaisip ang netizens at Maritess na split na nga ang couple.
Dahil sa mga naglabasang issue ay parang sinasabi na split na nga sina Heart ay Chiz.
Well, well, well…Yun na!