Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
DEDMA lang si Janice de Belen tungkol sa kumakalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang si Inah de Belen ng kasintahan nitong si Jake Vargas. Hindi na raw nagulat si Janice sa tsismis sa kanyang panganay dahil pinagdaanan din niya ito noon.
“Ako rin naman, natsismis dati na nabuntis, bago ako nagbuntis, di ba?” sabi ni Janice sa interview sa kanya ng Pep.ph
“Itong isyung pagbubuntis ay mahirap itago sa panahon ngayon dahil sa social media.
“Wala naman. Parang wala naman. Kung mangyari yun, e, di magkakaroon lang uli ako ng apo.
“Kung magbuntis man siya ngayon, she’s 30. She’s at that age… whatever choices she makes, kanya na yun.
“Basta kaya niyang panindigan. Again, babalik ako sa hope and pray that I raised my child right.”
Hindi raw isyu sa kanila sakaling mangyari ito kay Inah dahil nasa tamang edad na nga ito.
Wala raw karapatan si Janice na i-judge ang kanyang anak dahil siya nga raw ay 18 pa lang ay nabuntis na.
“Wala akong ini-impose na dapat nilang gawin sa buhay. Wala akong ganun.
“Kasi, I cannot be quick to judge. Kasi, 18 po, buntis ako, wala naman akong asawa di ba? Tapos, nahiwalay pa ako. Nagbuntis uli ako.
“Talaga? Ako pa ba ang magiging judgmental sa ganyan, di ba?
“Kung magbuntis man siya ngayon, trenta na siya, 18 lang ako,” napapangiting sabi pa ni Janice.
***
“SI VHONG NAVARRO ANG BIKTIMA, ‘DI SI DENIECE CORNEJO!”–ATTY. MALLONGA
SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga, nanindigan ang abugada na hindi totoo ang bintang na rape laban sa komedyante.
Sabi ni Atty. Mallonga,“Klaruhin lang natin na ang nangyari noong January 22, 2014. More than eight years ago, naging biktima po si Vhong Navarro ng krimen.
“Siya po yung biktima. Siya po ay dinetain, binugbog, pinagbantaan, kinukunan ng pera.
“Di ba, dinala siya sa police station at sinabi, ‘Pang ano lang ito, pang-leverage para hindi ka magsumbong. Ilalagay natin ‘to na ikaw ay nag-confess na meron kang ginawang attempted rape. Pero buburahin natin ‘yan pag nagbayad ka, huwag kang magsusumbong.’”
Ang tinutukoy ni Atty. Mallonga ay ang pagpapa-blotter ni Deniece kay Vhong noong January 22, 2014.
Ginamit daw ng grupo nina Deniece at Cedric ang police blotter para matakasan ang ginawa kay Vhong.
Patuloy ng abugada, “Kaya naman si Deniece walang pinayl na complaint, di ba? Walang nangyari.
“Pero nung dinala na si Vhong bilang biktima, at meron ding mga nagpayo sa kanya, mga nagmamahal sa kanya, kailangang maipaglaban niya ang kanyang mga karapatan.
“So, nagreklamo siya sa NBI, at nagsampa na nga siya ng kaso.”
Noong July 2018, nahatulang guilty si Deniece sangkot ang negosyanteng si Cedric Lee sa kasong grave coercion.
Sa kasong grave coercion, napatunayang pinilit si Vhong na pirmahan ang police blotter na nagsasabing nangyari ang attempted rape niya kay Deniece.
Napatunayan ding pinilit at tinakot lamang ang aktor na sang-ayunan sa police blotter na ginawaran siya ng “citizen’s arrest” ng grupo ni Cedric at ilan pang kalalakihan dahil sa pang-aabuso niya kay Deniece kahit hindi niya ito ginawa.
Kaugnay nito, ang kasong serious illegal detention laban sa grupo nina Deniece at Cedric ay may kinalaman sa paggapos, pagpiring, pambubugbog, at pananakot na ginawa kay Vhong sa loob ng condo unit ni Deniece noon ding January 14, 2014.
Hangggang ngayong 2022 ay nililitis pa rin ang kasong iyon.